Wednesday, January 31, 2007

ganyan talaga ang buhay.. ^_^

andito ko sa aking kwarto at nakatitig sa kisameng makutim dahil sa alikabok ng mga sasakyang araw araw bumubuga ng usok sa bahay namin. wala pa rin akong magawa, hindi naman siguro lahat ng tao
kagaya ko na walang direksyon ang buhay.. nakakalito pag hindi ka na nag aaral.. parang wala ka nang patutunguhan.. hindi na katulad ng dati..

parang mas gusto kong mag liwaliw habang
buhay!!..

kung mag tatrabaho ako, wag na lang sana sa kurso ko, gusto ko yung wala halos responsibilidad..
para bang sa gobyerno?..

habang nagbabakasyon ako paurong ng paurong ang maturity ko, tae yan.. ilang araw na lang at sasakupin na ng ID ko ang buo kong personality.. dahil na din dyan, e parang kakayanin ko nang maging BUM habang buhay.. ang sarap naman kasi ng ganitong buhay, nakaka adik!
habang patagal ng patagal, pahigpit ng pahigpit ang kapit mo hanggang di mo na kayang bitawan yung lifestyle na ganito,>_<

namiss ko rin kasi to ng todo, ang pagpapahinga.. malaking oras ang sinakripisyo ko sa kurso ko, ..hirap at pagod, tiniis lahat ng hilig hanggang maging frustrations ko ang mga ito,..
mahirap kayang makita lahat ng kaibigan mo na nasusunod yung hilig nila, hmm..na hilig ko rin naman,
tulad ng pag dodrowing, banda, computer, skateboard, pagtambay sa bahay ng kaibigan para ubusin ang oras sa pag halakhak, pagingay at pag laro ng kung anu anong pwedeng isaksak sa PS2, at PAGTULOG!..haiiz..
pero isa sa mga ayaw kong gawain ay ang mag sisi.. pero di ko maiwasang mag isip.. anu kaya ako kung hindi ako nag *insert my course here*.. mas masaya kaya?
ewan ko lang, ayoko namang bitiwan lahat ng alaala ko nung ng aaral pa ako, ayokong bitiwan lahat ng mga kaibigan at sakripisyo, lahat ng dugo pawis at puyat, mga ulcerations sa pwet at sa bituka, mga kalyo
sa paa dahil sa katatayo, mga nasunog na kilay, mga oras na nasayang, mga pinaglamayang proyekto at pagsusulit, mga kukong napudpod dahil sa kaka kamot ng ulo at kung anu ano pang weirdong karanasan na naka taga na sa utak kong parang radyo na paulit ulit pinapatugtog ang masaya at magulong tugtugin ng buhay ko sa kolehiyo..

pero tapos na ang lahat ng iyon, kelangan na ring tumayo sa sarili kong paa. gustuhin ko man gawin yun pero nakagapos na ang katawan ko sa pag papasarap.
magtatrabaho na lang ako dun sa call center na ang trabaho mo e mag pa-level ng characters sa mga larong MMORPG(massively multi-player on-line role playing game) .. whooo!!! thats the life!!

pero sinayang ko lang ang kurso ko pag ganun ang magigin trabaho ko..

ebak na buhay to oo..

Saturday, December 30, 2006

food for the soul

tententen, tenentenen,
broom plak tip tap,
ten ten tenenten,ten ten tenenen,
bras!
dugadum dugadum bluploploploploplopsbragadums tugstugs tadadhs!iwnnn... wiiiing, ...tininintinintinin tinintinen..
tenentennenenennetenen,
tids tids tids tids, palgs,
taradstarads!
(repeat till fade)

isang kathang isip ng batang naghahanap ng katotohanan..

sa isang iglap, gusto kong marating ang nasa dako pa roon.
walang katapusang paghahanap sa mga bagay bagay na hindi naman kailangan,
tila ba hinahatak ng pagnanasang matamasa ang walang hanggang karunungan.
masasagot na rin ang lahat ng bumabagabag sakin,
magiging matiwasay na ang masalimuot kong utak na puno ng
katanungan.

sa wakas..

tumigil na ang pulso,
tumigil na ang paghinga,

ako'y wala na sa katawan kong tao,
naglalakbay sa isang pantasyang nilikha nung ako'y nabubuhay pa.
natatakot na ang lahat ng bagay na natutunan ko ay isa lamang
kasinungalingan.

sundan mo ako sa kathang isip na aking ginawa,
at tayo'y malakbay sa lugar na walang kasiguraduhan.

Saturday, December 09, 2006

christmas special

christmas na, pero hanggang ngayun e wala pa rin ako sa christmas mood.. wala pa yung inner feeling of idiopathic euphoria na nag papagana sa akin para mangulit ng mangulit.. netong mga nakaraang araw e tinatamad na rin akong makipag socialize.. panapanahon lang siguro, magiging anti-social din naman tayo paminsan minsan,
pero nararamdaman kong napapalayo na sa akin ang iba kong kaibigan.. dahil ba sa kulang sa communication?(text) ...sobra naman ata yun di ba? di ka lang mag text parang d na kayu mag kakilala ulit, pero siguro ganun na talaga ngayon. wala tayong magagawa, ganyan talaga ang buhay,..

magkantahan na lang tayu.. ^_^

"There's a fruitcake for everybody,
there's a fruitcake for everyone,
there are b-sides to every story,
if you decide to have some fun.
take a bite, it's alright, a little lovin' and some fruit to
bake, life is a piece of cake..."[e-heads]

piece of cake, ika nga ng kanta, kaso kelangan mong kumagat, at mahalin ang buhay, para maging piece of cake.. yun lang.. mahirap ata yun, lalo na
kung sabog sabog ang buhay mo ngayun.. mahirap sikmurahin, o
kasuklam suklam..

just take a bite, it's alright...
just take a bite, it's alright...

pagkatapos mong kumagat, ipagpasang tabi mo na ang pag digest,
and God will do the rest,.. ^_^

[this is a true to life experience]
on di 1st day of christmas, problema came to me.. im broke so i
need some money..
on di 2nd day of christmas, problema came to me.. trankaso't tonsilitis.. and im broke so i need some money..
on di 3rd day of christmas problema came to me, sobrang heartburn, trankaso't tonsilitis, and im broke so i need some money..
on di 4th day of christmas, problema came to me, sipon at dry cough, sobrang heartburn , trankaso't tonsilitis, and im broke so
i need some money..
on the fifth day of christmas problema came to me.. emergency
room,.. sipon at dry cough, sobrang heartburn , trankaso't
tonsilitis, and im broke so i need some money..

Friday, December 01, 2006

sobrang okei guide

you're begging for this.. burito's guide for superficial happiness!!

this is what you've been waiting for! the guide of a lifetime!!no more heartaches, pain and suffering, no more oblivion and nothingness, no more fear and disgust, no more everything!!!

you're gonna love this, after this, you'll be in a temporary state of seemingly false bliss!!!

blissful idea #1 : create an alter-ego
[this is a very effective way of over coming stress, only $399.95! it comes with an automatic suppression and reppression command! once you forget.. err.. you forget! it also has a limited edition manic state button, for that dont-worry-i'm-happy-so-don't-disturb-me-anymore-i-will-fell-free-to-humiliate-myself attidude, it also have the pseudo-parkinsonism mode, for that wonderfully flat affect!]

it also includes the insomiac program, for that endless parade of erratic sleep cycles, weightloss/weightgain, eye bags and i'm-gonna-eat-you-coz im-a-zombie-look-a-like faces..

but wait, there's more!!! if you call right now, you can have youre free erap jokes daily!!!

so what are you waiting for?.. call 99-imsleepy right now!!


happiness is a choice, kaw na bahala kung magiging masaya ka o mag papabalot sa kasuklaman sa buhay, kung gusto mo ng pagbabago, simulan mo sa sarili mo, at lahat ng paligid mo ay mag babago rin.
kung pipiliin mong maging masaya, ahm, tignan mo na lang kung ano ang magiging epekto nun sa paligid mo, sa tingin ko e masisiyahan ka...

gunita

sa ilaalim ng buwan, nag lalaakad, nag aagam-agam..
hindi pa rin makapaniwala, na nangyari ang lahat lahat ng wala man
lang nagawa, pinalipas ang panahon,ang oras na ginto, winaldas, na parang wala man lang akong pakialam?

nakikita ko ang mga pagkakataong dumudulas sa aking palad,
nadaradama ko na, pero sa oras na higpitan ko ang aking hawak,
sadya itong dumudulas at para bagang ayaw nitong mag padakip..

akala ko ayan na..
akala ko...akala ko...

kasalanan ko ba? o sadyang pinag lalaruan ako ng tadhana?
kamalasan ba? o pagkukulang lang ng mga tamang desisyon?tama lang ba na mag sisi? o sadyang nababagay sakin ang ganitong
tadhana?
may karapatan ba akong mag tanong?

gumalaw man, hindi naman tama.
mag isip man, nababalutan naman ng pag aalinlangan.
naiinip, naiinip, naiinip, naiiinip,
nababato...

mga alaalang parang elesi, umiikot, nakakahilo,
nililipad ang aking katinuan.
natulog na ang araw,
umiiyak ang buwan,
sa langit na pinag sisilungan nating lahat,
may karapatan ba tayong makialam?

sa mga oras na gusto kong tumakbo papalayo,sa mga panahong mas ginusto kong tumakas,
lumaban naman ako.
ngunit hindi ako maka alis sa kinaroroonan ko.

ako'y umiikot...

-gunita

Saturday, November 25, 2006

out boxing your weakness

meron akong pinapanood ngayun, tungkol siya sa isang batang duwag na naging super lupit na boxingero.. lagi siyang binu-bully sa school nila pero kahit ganun, hinding hindi siya lumalaban sa mga nanlalapirot ng dangal niya bilang lalake,.. hardcore tong batang ito, never say die ang motto, hardwork is the key to success,.. yun din yung pinapakita nung series na to,.. idagdag mo na rin ang determination, fighting spirit, at iba pang kasipagan blues..

masarap isipin na kung paghihirapan mo ang isang bagay, maganda palagi ang kalalabasan, masarap isipin na pag pinagbushusan mo ng matinding effort, wow pare, success agad ang kasunod.. pag naging determined ka sa isang bagay, malalasap mo ang tagumpay na inaasam..

yun nga lang, hindi naman ganito palagi e, at eventually, may mangyayari sa iyo na lagi ka na lang talo, kahit anung gawin mo, kulang pa rin, sasabog pa din ang buhay mo, darating ang panahong susubukan ang katatagan mo at kumbaga sa gulong, e naflatan ka na, may butas na ang interior at habang buhay ka nang nasa ilalim at napapaligiran ng tae..
mag papatalo ka ba habang buhay o susugod ka ulit, one time big
time?..

sa totoo lang, napapagod na rin akong mag effort, na tapos na ako sa stage
na ang roleta ng kapalaran ay laging humihinto sa "malas mo tol, kumain ka na lang ng tahong na may red tide"... ang problema na lang kung paano ko mare-reverse yung mental damage na dulot nun..
madaling sabihing ayaw kong magpatalo sa mababang self- esteem, madaling sabihin na kaya ko to, at mas madaling sabihin na maaayos din ang lahat... ang mahirap e yung pag kilos, at ang pagtiwala sa hinaharap..

ang masasabi ko lang, maraming pagkakataon sa buhay natin.. sa isang iglap na makakita ka ng pagkakataon, at hindi mo ito
pinalampas... humanda ka na lang sa mga maaaring mangyari..
manalo, matalo, kyut pa rin kami..

kahit ipis may purpose, kaw na bahala kung ano ang iyo..

Sunday, November 19, 2006

Pintuan..

para saan ang pintuan? ito ba ay ginawa para magbukas ng saradong espasyo? o mag sara ng nakatiwangwang na?..
kung ginawa ito para pagbuksan ka, hindi ba mas maganda kung wala na lang ito? para may laya kang mag labas pasok? kung ginawa ito para mag sara, bakit pa ito kelangang bumukas?

sa tingin ko, ginawa ito para itago ang nasa kabilang dako, para hindi mo makita kung ano ang patutunguhan mo, hindi para saraduhan ka o pag buksan ka, bagkus para magkaroon ka ng pananalig na kahit anu man ang nasa likod ng pintuan, ay hindi mo ito ikasasama..

ang aso. kahit iwan mo siyang mag isa sa bahay, sa oras na bumukas ang pintuan, kahit hindi ka nya nakikita, susunggaban ka nya agad, dahil alam nyang ikaw ang master nya.. sana, mag tila aso rin tayo sa pag bukas ng pintuan ng Diyos..

Thursday, November 16, 2006

tula [[d po ako hopeless, mahilig lng ako sa tulang nag tatackle sa weakest point ng human existence]] ^_^

panalangin: isang sigaw ng kawalang pag-asa


isang masamang panaginip,
habang gising at nagninilay-nilay.
kinupkop ako ng pagnanasa,
para makamtan ang hinaharap.
naglulugmok sa kasulok sulukan ng aking gunita,
isang balong walang lamang tubig
at mistulang patay na disyerto.

nauuhaw, nauuhaw,

sa katotohanang taglay Mo.
dama ko ang init
kumakalmot sa aking mga ugat
ako ba'y nagagalit?
o ito'y bagkus pagdurusang Iyong hatid?
dahil sa hiram na buhay...

marupok na buhay..
marupok na buhay..

marikit na sampaguita,
at makulay na umaga,
may naghihintay pang bukas.
sana'y damhin ko ang binibigay Mong pag-asa,
sa katawan kong hardin na puro tinik
at mantsa ng dugo.