Wednesday, September 27, 2006

slow motion walking

one step at a time.. ito yung mga katagang umiikot sa isip ko habang naliligo..dahan dahan.. easy easy.. salamat sa isang kaibigan, at muli kong naalala itong mga katagang ito.. masyado nga siguro akong naging obsessed sa pagbabago, nakakalimutan ko na ang sarili ko, pero nakakatuwang isiping bumabalik sakin paunti unti yung dati kong ugali.. natural na sa akin ang maging "happy go lucky" hindi yan nawawala sa mga description ng mga kaibigan at kaklase ko sakin, "happy go lucky" pero kayang makawala sa kahit anong sitwasyong ibibigay ng mundo.. matagal na rin akong ngpapaka hirap maging masipag, responsable, matalino at iba pa.. pero nawawalan ng saysay, simula nung kinalimutan ko ang salitang "EFFORT".. tumatak sa isip ko na walang kwenta ang effort, ang final product lang naman ang ebidensya na naghirap ka.. salamat sa isang kaibigan at naging ganito ang pilosopiya ko sa buhay..

ganito na ang pilosopiya ng tatay ko simula pagkabata, pero hindi ko yun pinaniniwalaan, isang tao ang naging kadena at tumali sa pilosopiyang yun sa utak ko.. "wala akong nakikitang effort sayo.. wala akong nakikitang effort sayo.. wala akong nakikitang effort sayo.." isang dugtong dugtong sa salitang nagsilbing tali para tumatak sakin ang walang kwentang pilosopiyang yun..

one step at a time.. ilang taon na nga ba bago ko yan kalimutan? dalwa? tatlong taon? pinilit kong magaral ng 24 hrs, quiz lang pero hindi ako natutulog para lang mag basa, basa dito, highlight dun, sulat dito, memorize dun.. pero walang ngyari, mas malala pa nga yung kinalabasan, habang lalo kong pinipilit mag bago, lalo akong nasisira, at natapos ang kurso ko ng maslalo akong naging tamad at hindi responsable, dahil "final product" lagi ang hinahanap ko.. at hindi ko yun makita.. "parang hindi ka nag bigay ng effort!".. yan ang sinasabi ko sa sarili ko palagi.. pathetic..

one step at a time.. sana ngayun ay kaya kong magsimula ulit.. sana ngyun ay hindi ako mapressure sa pagbabago.. sana ngyun mas mahalin ko na ang sarili ko.. tama na yung ginawa mo yung best mo.. may bukas pa, para gumawa ng effort at palaguin ang sarili mo.. tama na.. magsisimula na ulit akong mabuhay.. "happy go lucky" man ako, at least makikita ko na ulit yung improvements ko.. hehe.. at sana may lugar ang happy go lucky na ito sa mundo ng mga seryoso..^_^