Saturday, November 25, 2006

out boxing your weakness

meron akong pinapanood ngayun, tungkol siya sa isang batang duwag na naging super lupit na boxingero.. lagi siyang binu-bully sa school nila pero kahit ganun, hinding hindi siya lumalaban sa mga nanlalapirot ng dangal niya bilang lalake,.. hardcore tong batang ito, never say die ang motto, hardwork is the key to success,.. yun din yung pinapakita nung series na to,.. idagdag mo na rin ang determination, fighting spirit, at iba pang kasipagan blues..

masarap isipin na kung paghihirapan mo ang isang bagay, maganda palagi ang kalalabasan, masarap isipin na pag pinagbushusan mo ng matinding effort, wow pare, success agad ang kasunod.. pag naging determined ka sa isang bagay, malalasap mo ang tagumpay na inaasam..

yun nga lang, hindi naman ganito palagi e, at eventually, may mangyayari sa iyo na lagi ka na lang talo, kahit anung gawin mo, kulang pa rin, sasabog pa din ang buhay mo, darating ang panahong susubukan ang katatagan mo at kumbaga sa gulong, e naflatan ka na, may butas na ang interior at habang buhay ka nang nasa ilalim at napapaligiran ng tae..
mag papatalo ka ba habang buhay o susugod ka ulit, one time big
time?..

sa totoo lang, napapagod na rin akong mag effort, na tapos na ako sa stage
na ang roleta ng kapalaran ay laging humihinto sa "malas mo tol, kumain ka na lang ng tahong na may red tide"... ang problema na lang kung paano ko mare-reverse yung mental damage na dulot nun..
madaling sabihing ayaw kong magpatalo sa mababang self- esteem, madaling sabihin na kaya ko to, at mas madaling sabihin na maaayos din ang lahat... ang mahirap e yung pag kilos, at ang pagtiwala sa hinaharap..

ang masasabi ko lang, maraming pagkakataon sa buhay natin.. sa isang iglap na makakita ka ng pagkakataon, at hindi mo ito
pinalampas... humanda ka na lang sa mga maaaring mangyari..
manalo, matalo, kyut pa rin kami..

kahit ipis may purpose, kaw na bahala kung ano ang iyo..

Sunday, November 19, 2006

Pintuan..

para saan ang pintuan? ito ba ay ginawa para magbukas ng saradong espasyo? o mag sara ng nakatiwangwang na?..
kung ginawa ito para pagbuksan ka, hindi ba mas maganda kung wala na lang ito? para may laya kang mag labas pasok? kung ginawa ito para mag sara, bakit pa ito kelangang bumukas?

sa tingin ko, ginawa ito para itago ang nasa kabilang dako, para hindi mo makita kung ano ang patutunguhan mo, hindi para saraduhan ka o pag buksan ka, bagkus para magkaroon ka ng pananalig na kahit anu man ang nasa likod ng pintuan, ay hindi mo ito ikasasama..

ang aso. kahit iwan mo siyang mag isa sa bahay, sa oras na bumukas ang pintuan, kahit hindi ka nya nakikita, susunggaban ka nya agad, dahil alam nyang ikaw ang master nya.. sana, mag tila aso rin tayo sa pag bukas ng pintuan ng Diyos..

Thursday, November 16, 2006

tula [[d po ako hopeless, mahilig lng ako sa tulang nag tatackle sa weakest point ng human existence]] ^_^

panalangin: isang sigaw ng kawalang pag-asa


isang masamang panaginip,
habang gising at nagninilay-nilay.
kinupkop ako ng pagnanasa,
para makamtan ang hinaharap.
naglulugmok sa kasulok sulukan ng aking gunita,
isang balong walang lamang tubig
at mistulang patay na disyerto.

nauuhaw, nauuhaw,

sa katotohanang taglay Mo.
dama ko ang init
kumakalmot sa aking mga ugat
ako ba'y nagagalit?
o ito'y bagkus pagdurusang Iyong hatid?
dahil sa hiram na buhay...

marupok na buhay..
marupok na buhay..

marikit na sampaguita,
at makulay na umaga,
may naghihintay pang bukas.
sana'y damhin ko ang binibigay Mong pag-asa,
sa katawan kong hardin na puro tinik
at mantsa ng dugo.

Monday, November 13, 2006

ang daga at ang kabuluhan nang buhay

"consider each wave of pain as your penance."-anotsu kagehisha, blade of the immortal

kani-kanina lang, papunta ako nang kusina nang makita ko ang aking pusa na kumakain ng daga, nagka-titigan pa kami nang ilang segundo, habang nakahandusay ang kawawang daga na yun sa lapag, wala nang ulo, wala na rin ang dalawa sa mga binti nya, kitang kita ang intercostal muscles nya at nag kanyang rib cage na nakalabas.. hmmm.. yum-yum!.. sa panahon na yun, naisip ko na parang ako yung daga na unti unting kinakain ng aking emosyon.. naisip ko rin, kung ako ang daga, kelangan ko lang maging mas malakas sa pusa para maligtas ako.. ang tao ay may walang hanggang potensyal para paunlarin ang sarili,.. pero syempre, kelangan ang tao na ang gumawa ng paraan para marating ang pag unlad nito..
survival of the fittest ito, kung mahina ka e mafe-first blood ka lang. (kung ang pokemon nga ay nag e-evolve, ikaw pa kaya?)
may kasabihan nga din ang mga matatanda.. "nasa Dyos ang awa, nasa tao ang gawa... nasa tindahan naman ang redhorse," hehe..>_<

Sunday, November 12, 2006

hollow life

huu.. pag tinamaan ka nga naman ng malupit.. dahil wala akong magawa, lagi n lang akong napapaisip, lalo na sa ngayun, anu ba ang purpose ko sa buhay?.. parang walang sense ang buhay ko.. kain-tulog-tambay-bisyo isang deadly cycle nang kasiyahan.. ayoko ng ganito, wala namang nagagawang maganda sa sarili ang puro saya.. kahit man lang magkaroon ng purpose ang mga kamay at paa ko.. sa mga kaibigan ko parang ako lang ang ganito, walang ginagawa.. move-on man! kelangan na ng aksyon! yung madugo!at nakaka excite!! nakakaasar na ang walang ginagawang matino, kahit ang aral lang e walang sense,.. gusto ko na ng hands on!! trabaho na dude! haiiiz... sa ngayun e di pa ako pede magtrabaho, pero gusto ko nang gumawa ng paraan para magkatrabaho.. para naman mawala tong nararamdaman ko ngayon.. futile, senseless.. kung uso pa rin ang alay e mas gugustuhin ko pang maging sakripisyong tupa, para naman magka sense ang buhay ko.. sa sobrang kawalang kwenta e napapadalas na ang pag sulat ko.. ayokong isiwalat sa lahat ang nararamdaman ko, pero nakakagaan din ang pag sulat,.. sa totoo lang, habang isinusulat ko ang mga walang kwentang bagay na to e nakakaisip na rin ako ng solusyon sa mga problema ko.. ayos din pala ang blog... rak on!

Friday, November 10, 2006

buhay buhay ng taong walang kabuhay buhay

ako, ikaw, tayo, sila, lahat tayo merong pagkakaiba, meron ding pagkakatulad, isa na doon ang kamatayan.. ano ba ang konsepto
ng kamatayan?...

sa tinagal tagal kong nabubuhay e minsan ko lang ito maisip, kamatayan.. madali ispelingin, pero mahirap intindihin.. maraming katanungan ang bumabagabag sa akin.. paano pag namatay ako? saan ako pupunta?.. totoo bang may life after death? may higher beings ba?.. nabubuhay ba ang alive lactobacilli shirota strain pag nag yelo na ang yakult?
at ayokong malaman ang mga sagot dahil isa lang ang paraan para mahanap ang katotohanan sa bagay na iyan..

eksena sa panaginip:
tao1: tol, pwede bang mag tanong?
ako: ano yun?
tao1: asan tayo?
ako: hmm.. di ko rin alam e.. mag isip ka na lang ng lugar na mausok at andun na tayo..
tao1: hmm.. langit?
ako: walang ganyanan! may pasok pa ako bukas..

kung hindi ako biglang nagising nung araw na yun.. nasaan na kaya talaga ako?.. tae yan, siguro masyado lang akong nag isip ng mga bagay bagay.. sabi nga nila e ang dreams natin e pinaghalo halong information ng nagdaang araw..

nakakatawang isipin na naalala ko nanaman ang panaginip na yun.. takot din ba akong mamatay?.. ewan, pero wala naman akong paki alam kung mamamatay ako sa ngayun.. yun nga lang, nakakapanghinayang.. marami pa akong gustong gawin at patunayan.. at kung mamamatay lang ako agad.. mawawala lang lahat ng iyon, kasama na lahat ng alaala, masaya man o
malungkot, kahit mga importanteng tao at bagay, poof! all gone.. kaya siguro maraming takot mamatay.. mahirap tangapin na permanente nang mawawala sa iyo lahat lahat..

naalala ko rin ang sabi nga ng nanay ko.. "bisyo ka ng bisyo.. pag na-adik ka sa yosi, baka magaya ka kay ***toot*** (sumalangit nawa) namatay yun agad, ang bata bata pa.." naisip ko agad yung signature ko sa e-mail..

"eat right.. excercise daily.. die anyway".. ^_^

Wednesday, November 08, 2006

chop chop intuition

nahihilig ako ngayun sa manga(comics ng hapon).. (**mangga-mahilig din ako dyan!..) ..mahilig na ako sa anime dati pa, pero salamat sa internet, e naadik naman ako sa pag da-download ng mga comics. nakakatuwa naman din kasi, e sa bagal ng connection ko e sino ba naman ang hindi maeexcite na basahin ang isang chapter na di-nownload mo ng walong oras? parang nag-aabang na ka na rin ng paborito mong palabas di ba? kinokompleto ko ngayun e yung Blade of the Immortal, isa 'tong samurai story, pero ang medium lang ng artist e pencil.. hayop! isang page lang, alam mo nang pinag hirapan at pinagbuhusan ng talento at oras yung comics na yun,kahit lapis lang yung ginamit, kumpleto sa kulay at detalyadong detalyado yung mga drowing.. para bang full color na comics pero pi-nrint ng black and white? ang twist nga lang dito e immortal yung bida, parang boring di ba? pero matutuwa ka pag nakita mo nang nagliliparan isa-isa yung katawan ng bida, pinagpipiraso piraso muna siya ng kaaway bago siya maging desperado at makahanap ng butas na papatay sa kaaway nya.. pede mo na rin sabihing literal na butas yung ginagawa nya. at dahil di naman immortal yung mga kalaban nya, e sorry na lang, mamatay ka sa hypovolemic shock beybi!.. tapos pagdudugtung dugtongin na lng nung kasama nyang babae yung mga parte ng katawan ng bida ala voltes five, ole! gud as new nanaman!^_^ ..mas maganda nga naman kung tutuusin kesa sa ibang samurai story na sobrang galing nung bida at di man lang na-tatagpasan ng daliri.. laging buhok, konting hiwa na malayo sa bituka, tapos yung kalaban lang lagi ang nagkakapira-piraso.. meron pa akong nagustuhan dito, makikita mo yung psyche ng mga samurai dati, sila yung mga nauuhaw sa kapangyarihan, gusto nilang makakita ng dugo.. (di tulad nung bampirang kapampangan sa sesame street, *one! one tomato juice! a-a-a-a-a-a!*) at lagi silang handang magbuwis ng buhay para lang sa prestige ng sword schools nila, parang maskman ba?..at makikita mo rin kung pano maging desperado yung mga tauhan pag malapit na silang mamatay, law of nature at it's finest! ganito pa rin naman sa panahon ngayun e, nakikipag laban pa rin tayo sa iba para lang mabuhay ng matiwasay, kaso, mas peaceful nga lang ngayun, boring na kumbaga.. tulad ngayun, nakikipag away ako sa boredom.. at maya maya, matatalo ako at matutulog na lang.. Zzzzz

Tuesday, November 07, 2006

change of phase

minsan darating ka talaga sa puntong akala mo maayos na ang lahat sa buhay mo, pero may isang magandang balita na darating at sisira ng katinuan mo,..(magandang balita?) "dilemma".. (hindi ito yung sinabi ni nelly kay kelly nung nag brown-out sa kanila).. sino ba naman ang hindi nag daan sa ganito, merong dalawang sitwasyon na parehong ma-ayos pero isa lang ang kailangan mong piliin.. ewan ko ba? siguro para sa iba e madali lang ang pag de-desisyon sa sitwasyon ko, (ahm ganito kasi yun.. bagsak ako nung june 2006 nursing board exams tapos, ngyun pasado na ako kasi ni "recompute" ng prc yung mga grades.. san ka nakakita ng ganun di ba?) **only in the philippines**
.. ewan ko ba, napaparanoid lang ako, parang may binigay sa akin na pagkain pero hindi ko naman alam kung may lason ba yun..kakainin ko ba to?.. okei lang siguro, at least namatay ako ng busog di ba?.. (bat mo ba to binabasa? wala naman itong kwenta?)..
sa tingin ko naman e nangyayari ang mga bagay bagay nang may rason.. biyaya naman ito kung tatawagin e, yun nga lang.. yung packaging nya e sabog at puno ng mantsa.. at kahit gamitan mo pa ng pride all purpose bar e mahirap pa rin tanggalin..
kung iisipin, ang simbahang katoliko nga ay tumatanggap ng pera kahit galing ito sa masama..(def. mech. used:rationalization) okei lang naman siguro kung tatanggapin ko.. mahirap na baka magtampo ang Diyos, sana lang maganda ang kalalabasan ng lahat lahat..

amazing races

ngyun ko naintindihan ng lubusan kung bakit bumagsak ang tore ni babel..
isipin mo n lng na nag tatrabaho ka sa isang construction company tapos ang amo mo ay isang kano, ang katrabaho mo ay bisaya at ang foreman ay arabo.. ikaw, wala kang ibang alam na lenguahe kundi tagalog..

nasa isang orientation kami ng isang medical mission sa may old sta. mesa, maayos yung lugar.. malaki,.. isa daw tong skwelahan dati, hiwalay ang building ng boys at girls. pero binili ito ng isang organization at ginawang headquarters nila sa Pilipinas.. ang ganda, akma nga ito para sa isang malaking org.
sa simula pa lang alam na namin ang papasaukan namin ay hindi filipino community.. alam din namin na magiging alien kami sa lugar na yun.. pero nagsugal pa rin kami.. "pucha tol! maraming chinita girls dun!" sabi ng kaibigan ko.. at syempre, oonga naman ako..
on the way, pinag-uusapan namin kung paano kami pag hihiwahiwain ng mga "iron chef" doctors ng org. na yun at kung pano kami sasahugan at iluluto sa isang malaking steamer..
"kung gagawain kang siopao.. anung gusto mong maging? asado o bola bola?"
powtek! yung biro na yun ay nakakatawa lang sa una, pero pag nasa loob ka na nung room at nagsisimula na yung briefing ng medical mission, (in chinese po.. walang subtitle). ay..ewan ko na lng.. iba pala talaga ang feeling ng alienation, ..sa grupong yun, mga isandaang tao cguro, parang tatlo lang kaming pinoy,.. at di pa kami makapag usap dahil mukhang seryoso yung speaker.. hay.. parang elem student na tinuruan mo ng pathopysiology ng CHF.. hay, buhay nga naman..
kaya ayaw kong pumunta sa ibang bansa e, okei lang sana, para makakita naman ako ng mga bagong lugar at mukha, pero sa tingin ko e hindi ako tatagal at hahanap hanapin ko rin ang pilipinas..
pero kinalaunan, e maiintindihan mo rin ang ibang lahi at kultura, traumatic lang talaga sa una pero masaya palang makihalo, masarap magkaroon ng inter-racial friendship, marami kang matututuhan sa kanila, sa huli ay hindi ko pinagsisisihan ang pagpunta ko dun sa org na yun, ^_^
PS.. matagal na itong nangyari, pero ngyun ko p lng na post.. ahehehe